readbud - get paid to read and rate articles
1.

CCTN CHANNEL 47 CEBU LIVE

Get Paid To Click

WordLinx - Low Cost Traffic

Sunday, March 22, 2009

Paralisadong Paraiso 1



Ito ang munti kong tindahan. Maliit lang siya kaya nga munti, di ba? Pero kahit ganito lang kaliit ang tindahan ko marami naman itong laman na paninda. Pwera bigas, lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng tao ay mabibili dito. Gaya ng asin, asukal, posporo, vetsin, mantika, panggatong, at kung anu-ano pa.
Noong una, bago ko naisip magtayo ng ganitong uri ng negosyo akala ko kailangan ng malaking halaga para kapital. Pero kahit limang daan lang puhunan mo kung talagang gusto mong magnegosyo, huwag lang bawal yung mga produkto mo, magagawa mo. Ang mahalaga lang naman doon ay sipag at tiyaga, sabayan lang ng panalangin at pagpupunyagi tiyak makakaraos din. Yun lang ang prinsipyo ko sa buhay. Yun din lang ang hawak ko... noon.
Noon, bago ako nagdesisyon magtayo ng sariling negosyo, kahit dito lang sa bayang kinalakhan ko,wala akong ibang inisip kundi ang makapagtayo ng kahit maliit na espasyo mula sa lupain ng mga kamag-anak ko. NAgpagawa ako ng isang "griller" na piuna-assemble ko ng aking tiyuhin. Dito ko i-aaplay ang natutunan ko sa aking trabaho mula sa lalawigan. Magluluto ako ng l;echon manok.
Kaya nagpakahirap ako at inipon ko ng husto ang bawat sentimong kinita ko sa aking trabaho kahit yun ay barya-barya lang. Wala kasi akong sweldo nun, at ang baryang inipon ko ay mula pa sa allowance na binibigay sa akin araw-araw. Working student ako noon sa isang lechon house. nagtatrabaho sa umaga at nag-aaral sa gabi. At mula sa singkwenta pesos na allowance ko araw-araw, bente pesos niyon ay mapupunta sa aking pinaka-iingatang alkansiya.

Wednesday, March 18, 2009